Naririnig mo ba ang mga paghikbi ko? Naririnig mo ba ang mga daing ko? Naririnig mo ba ang pighati ko? Naririnig mo ba ang boses kong puno ng pagkahapo? Naririnig mo ba ang bawat pagbigkas ko sa pangalan mo? Naririnig mo pa ba ako sa malayo? Naririnig mo pa ba ako sa distansyang mayroon tayo ngayon? Sana.. sana oo. Sana malinaw mo pang naririnig ang boses ko.
Gusto ko sanang maging katulad ng dati, na nariyan ka para patahimikin ang mga takot, para yakapin ako sa lungkot, patulugin ako sa kandungan mong kapayapaan ang dulot.
Maaari bang ganoon na lang ulit?
Kahit saglit?
Isalba mo naman ako, dahil gustong gusto ko nang pumuslit sa mundong puno ng sakit.
Isalba mo ako ulit.
Pakiusap.