Daan Pauwi

Ilang araw ka na ring tumatakbo sa isip ko;
Kahit hindi ko gusto, palagi ka pa ring napapadpad dito.
Kaya siguro napagpasyahan ni tadhana na pag laruan ako;
At sinadya niyang pagtapuin muli tayo.

Nakita kita sa daan papauwi,

Hindi ko alam kung titigil ba ako sa paglalakad at iiba ng direksyon;
O magpapatuloy kahit na alam kong maaari kitang makasalubong.
At dahil nga sinabi ko sa sarili kong tapos na, wala na, matagal na;
Pinagpatuloy ko ang mabibigat na hakbang ng aking mga paa.
Sabi ko pa sarili ko, “Tangina mong gago ka, nakamove on na ako.”

Balak ko sanang lagpasan ka;
Magkunwari na hindi ka nakita.
Ngunit tinawag mo ang pangalan ko
At isang tawag mo lang, alam kong babalik at babalik ako sayo.

Nagkamali ako;

Alam kong isang tingin ko lang sa mga mata mo; talo na ako sa laban na hindi ko gustong ipanalo.
Alam kong isang yakap mo lang sa akin; tatanggapin kitang muli.
Alam kong isang halik mo lang sa akin; ay handa akong magpakatanga muli.
Alam kong pag tinanong mo kung pwede pa ba; ay mamahalin kita ulit; nang paulit ulit kahit pa masakit.

Alam ko. Alam na alam ko;
Kaya hindi ako humarap sayo nang tawagin mo ang pangalan ko;
Kahit pa nangangati na ang mga paa kong lumapit sayo;
Kahit pa nasasabik na akong makitang muli ang mukha mo;
Kahit pa gustong gusto kong marinig muli yung boses mo;
Kahit pa hinahanap hanap ko pa rin ang init ng palad mo sa palad ko;
Nanatili akong nakatayo,
Walang kibo.
Natatakot akong lumapit muli sayo dahil alam kong napaka imposible na ulit lumayo.

Kaya kahit masakit,
Kahit nag dadalawang isip;
Humakbang ako ng isa; ng dalawa; ng tatlo;
Hanggang sa hindi ko na mabilang.

Humakbang ako palayo sayo,
Nagbabakasakaling sa daang tinatahaak ngayon;
Ay makakasalubong ko na
Ang tunay na kaligayahan ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s