Totoo Ba?

Gusto ko lang malaman, kung totoo ba lahat.
Totoo ba yung mahigpit mong paghawak sa aking mga kamay kahit na kabadong kabado ako?
Totoo ba yung mga pagyakap mo noong mga panahong natatakot at nalulungkot ako?
Totoo ba yung mga halik mo habang hawak hawak mo ang mukha ko sa mga palad mo?
Totoo ba yung mga pinangako mo?
Pinilit mo namang tuparin ang lahat ng iyon hindi ba?
Totoo naman lahat di ba?

Pero kailan ba talaga nagbago? Biglaan lang ba o unti-unti lang kaya hindi ko agad namalayan?
Bakit kailangan magbago?
Masyado ko bang binuksan ang sarili ko sayo?
O naisip mo bang hindi ako sapat sayo?

Pinilit mo ba na ibalik pa?
May punto ba sa buhay mo na ginusto mo pang ako na lang ulit?
O baka naman talagang nakikita mo na ang hinaharap na hindi na ako ang kasama mo.
Ano ba talaga?

Bakit? Bakit hindi mo man lang sinabi na aalis ka na?
Bakit bigla ka na lang nawala?
Bakit hindi ka man lang nagpaalam?
Bakit iniwan mo ako nang puno ng katanungan na tanging ikaw lang ang makakasagot?

Natakot ka ba sa pagpapaalam?
Natakot ka ba sa mga pagluha?
Natakot ka bang pipigilan kita?
Kaya umalis ka na lang nang walang pasabi;
Nang hindi ko alam kung babalik ka pa ba o permanente ka nang mawawala.

Hinahayaan mo akong mag-antay sa isang taong hindi ko alam kung babalik pa.
Hindi ko alam kung dapat pa akong maniwala Sa mga yakap mo;
Sa mga halik mo;
Sa mga pangako mo.

Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam kung totoo ba,
O pawang laro lang ba talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s