Hindi ako

Hindi ako.

Hindi ako ang rason sa mga tulang isinusulat mo;
Hindi ako ang rason sa bawat pag ngiti ng mga labi mo;
Pagpatak ng mga luha mula sa mga mata mo.
Hindi ako ang rason kung bakit may mga pagkakataon na gusto mo na lamang mag-isa; Magkukulong sa kwarto para lang makinig ng musika.

Hindi ako ang rason ng bawat pag gising mo sa umaga;
Yung pagmamadali mong makapasok sa eskwela;
Yung pagsasawalang-bahala kung nakapag almusal ka na ba.
Basta ang mahalaga ay masilayan mo lang sya.

Sya. At hindi ako.

Ako yung takbuhan mo kapag magulo na ang lahat.
Kapag lumalaki na yung lamat.
Kapag tumutulo na yung luhang maalat.
Kapag hindi na kayang gamutin ng kahit anong klaseng salabat ang iyong mga sugat.

Sa akin mo inilalabas ang ang iyong mga hinanakit,
Kung bakit ganito ka-pait ang pag-ibig,
Kung bakit hindi ka nya makuhang mahalin pabalik,
Sya, at hindi ako.
Sya, at hindi ako ang kailangan mo.
Sya, at hindi ako ang makakapagpahilom sa mga sugat na ilang beses ko nang nilanggas.
Sya, at hindi ako ang makakapatigil sa daloy ng luha mula sa iyong mata.
Gustuhin ko man, hindi ako kailanman, magiging sya.

Gustuhin ko man, ngunit alam ko ang lugar ko sa puso mo.
Na sya at hindi ako ang mahal mo.

Advertisements

2 thoughts on “Hindi ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s