Tagpuan

Nandirito na naman akong muli sa tagpuan natin.
Sa upuang kahoy sa ilalim ng puno na tinatanglawan ng mga bituin sa langit.
Iniisip ka, nagbabakasakali na baka dalhin ka ng mga panyapak mo dito kahit na alam kong malabo na kasi ayaw mo na nga pero,
Eto,

Nandito pa rin ako.

Nandito pa rin ako sa lugar kung saan tayo nagsimula,
Sa lugar kung saan ko unang minahal ang iyong mga ngiti,kung paanong ang mga mata mo ay kumikinang kasabay ng mga tala sa langit.
Sa lugar kung saan ko unang naramdaman ang init ng iyong mga yakap, kung paanong ang iyong haplos ay nakakapagpakalma kahit anong pagod pa ang aking nadarama.
Sa lugar kung saan ko naramdaman ang tamis ng unang halik, kung paanong pinatigil mo ang pag ikot ng mundo ko sa isang dampi lang ng iyong mga labi.

Dito sa lugar na saksi sa pag-iibigan natin.

Oo, Nandirito pa rin ako.
At hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako dito.
Kung gaano katagal pang panahon ang gugulin ko makalimutan ka lang; makaligtaan lang meron nga palang ikaw.
Ikaw na mahal ko.
Ikaw na kinasasabikan ko.
Ikaw na hinahanap hanap ko.

Hindi ko alam kung makakalimutan pa ba kita,

O kung paulit ulit na lang bang maliligaw sa mga alaala na mahal kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s