Gusto Kitang Murahin

Gusto kitang murahin.
Nang paulit-ulit.
Para maramdaman mo naman yung pait.
Yung sakit noong binitiwan mo ang mga kamay ko habang ako ay mahigpit pang nakakapit.

Hayaan mong simulan ko.

Gago.
Gago ka kasi nakuha mo pang sabihin na mahal mo ako;
Kahit mayroon kanang bago.
Sabi mo ako lang kahit na dalawa na kami sa buhay mo.

Tanga.
Tanga ka kasi pinakawalan mo ako.
Yung ako na parang tanga na din kasi nagmahal ako ng manggago.
Sabi nila tanga ka kasi hindi mo alam ang halaga ko pero tanga na rin ata ako, dahil hindi ko na rin alam ang kung may halaga pa ba ako.

Bobo.
Sabi nila yung katangahan, may gamot pa.
Pero yung kabobohan, sagadsagaran na.
Bobo ka kasi habang paulit ulit kitang pinipiling balikan, pinipiling ipaglaban;
Yun din yung beses na pinipili mo akong bitawan.

Tangina.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ang mga magulang ko pag nabasa o narinig nila tulang ito kasi puro mura ang laman nito.
Pero wala akong pakialam sa sermon na maaari kong masalubong. Gusto lang talaga kitang murahin.

Gusto kitang murahin hanggang sa mawala na yung sakit.
Gusto kitang murahin hanggang mawala na yung pait
Gusto kitang murahin hanggang maglangib na yung sugat na iniwan mo sa akin.
Gusto ko kitang murahin hanggang sa mawala na yung pag-ibig.

Gusto kitang murahin hanggang sa makalimutan kong mahal nga pala kita.

Mahal nga pala kita.
Ako yung Gago.
Ako yung Tanga.
Ako yung Bobo.

Kasi kahit gaano kasakit;
Kahit gaano kapait;
Kahit bugbog na ang puso ko sa sobrang pasakit;
Kahit gawin mo pa ito nang paulit-ulit
Mahal pa rin kita.

At tangina, mahal,
Nakakasanay na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s