Liham Para Sayo

Ang sabi mo noon ayos lang na maghintay ka. Maghintay na maabot ko na ang pangarap ko, maghintay sa pahintulot ng mga magulang ko at kapag handa na ako. Sabi mo gawin ko lahat ng kailangan kong gawin kasi handa kang maghintay. Kahit gaano katagal. Sabi mo ayos lang, basta ako ay para lang sayo. Naging kampante ako. Naging kampante ako sa pagmamahal mo dahil walang araw na hindi mo ipinaramdam na mahal mo ako. At oo, naramdaman ko. Na minahal mo ako.

Oo, minahal kasi past tense na. Tapos na. Hindi ka nakapaghintay. 2 years na lang o. Pero hindi kita masisisi. Siguro masyadong matagal ang panahong hinihingi ko. Siguro nagsawa ka na. Pero gusto ko na malaman mo na kahit matagal na, na kahit masakit pa, na kahit nakakasanay na yung sakit, mahal pa rin kita. Walang nagbago, ni katiting. Gabi gabi ko pa ring hinihiling na bumalik ka. Araw-araw ko pa ring hinahanap ang mukha mo sa mataong kalsada, nag babakasakaling masilayan ka. 

At sabihin sayo na, “Pasensya na mahal, natakot akong sumugal. Na pasensya na kasi hindi ko nagawang ipaglaban ka pa. Na pasensya na kasi mas inuna ko pa ang pangarap ko para sa sarili ko.” Nakaligtaan ko, nasa harap ko na pala yung pangarap ko. Pasensya na mahal, hindi ko nakita ang halaga mo. Hindi ko nakita na nahihirapan ka din at wala ako para damayan ka kasi abala ako sa research paper ko. Hindi ko nakita yung effort mo na mapasaya ako kasi busy ako. Hindi ko nakita ang lahat ng ito.  Nakampante kasi ako na lagi kang nandyan. Na lagi mo akong iintindihin. Nakalimutan kong napapagod ka rin pala. Nahahapo. Sumusuko.

Pasensya na mahal sa lahat ng pasakit na idinulot ko sayo. Pasensya na mahal. Hanapin mo ang taong makakakita ng halaga mo. Hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako. Mamahalin pa rin kita sa abot ng makakaya ko, mamahalin kita kahit pa masakit. Mamahalin kita kahit sa malayo; kahit patago. Mamahalin at mamahalin kita sa bawat pintig ng puso ko.

At dahil mahal kita, pinapalaya na kita. Hanggang sa muli, mahal. Maging masaya ka sana.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s