Maghihintay ako

Habang minamahal mo sya,
Inaalayan ng mga tula;
Ng mga kanta;
Ng mga luha;
Ng mga gabi ng paggunita.

Nandirito ako.
Tinatanaw ka nang patago;
Minamahal ka sa malayo;
Humihiling na sana ay mapansin mo.

Minsan naitanong mo sa sa akin;
“Bakit kaya hindi tayo mahal ng taong mahal natin?”
Gusto sana kitang yakapin;ibulong ang aking pinakatatagong lihim.
Ngunit hindi, bagkus ay hinayaan kitang lumuha sa aking balikat.
Hindi ko alam kung gaano katagal ngunit hinayaan kita.

Hinayaan kitang ikwento ang lahat ng tungkol sa kanya.
Simula sa una nyong pakikita;
Pagbuo ng mga alaala; mangarap ng magkasama at masaya.

Kitang kita ko ang kinang sa iyong mga mata;
Ang ngiti sa iyong labi habang isinasabuhay mong muli ang sumpaan ninyong dalawa.
At habang palapit ang dulo ay lumuha ka; alam kong sobrang sakit na.

Sobrang sakit na pero kinakaya mo pa.

Kung maaari ko lamang punasan ang mga luha mo;
Kung maaari ko lamang palitan sya sa puso mo;
Kung maaari ko lamang ipilit ang sarili ko sayo;
Kung maaari ko lamang kunin lahat ng hapdi na nararamdaman mo,

Gagawin ko.

Ngunit alam kong kailangan mong maghilom upang makapagmahal ka ulit ng buong puso.
At sa tingin ko naman, kaya ko pang maghintay ng linggo, buwan, taon o higit pa.
Basta para sayo maghihintay ako.
Maghihintay ako sa panahon na ako naman ang pag-aalayan mo ng tula at kanta.

Maghihintay ako mahal, maghihintay ako sa panahon na pwedeng ako at ikaw na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s