Ikaw Ang Depinisyon Ng Mga Bagay Na Hindi Ako

Ikaw ang depinisyon ng mga bagay na hindi ako.
Ikaw ang depinisyon ng pagiging perpekto;
Hindi lang sa mata ko, kundi sa mata ng maraming tao.
At hindi ko alam kung kaya kong pa bang maging parte ng malawak mong mundo.

Oo, sinabi ko, nangako ako na hindi ako aalis rito.
Lagi kong hahawakan ang mga kamay mo kahit na pasamado o kulubot na ang mga ito.
Na hindi ako magsasawa sa pakikinig sa mga kwento mo.
Na hindi ako lilisan kahit ilang beses pa na ipagtulakan mo.

Oo, alam ko na nangako ako.

Pero, mahal pasensya na at kailangan kong lumayo.
Dahil sa bawat araw na nakakapiling kita, nawawala ko ang sarili ko.
Masyado akong nalunod sa ideya ng tayo.
Nakalimutan ko na meron nga palang ako.

Nakalimutan ko na hindi lang pala ikaw ang bida sa pag-iibigang ito.
Nakalimutan kong pahalagahan ang sarili ko dahil inilaan ko nang lahat para sayo.
Kahit na minsan ay isa lamang akong pampalipas oras sa mga pagkakataong magulo ang mundo mo. Nakalimutan kong hindi nga pala ako kabilang sa mundong kinabibilangan mo.

Ikaw yung tipo ng tao na sobrang hirap palitan; samantalang ako naman yung tipo ng tao na hindi mo ilalaban ng patayan.
Ikaw yung tipo ng tao na nakaaagaw pansin; samantalang ako yung tipo ng tao na hindi mo tatapunan ng tingin.
Ikaw yung tao na nakamamangha sa sobrang talino; samantalang ako yung taong sobrang hirap matuto.
At higit sa lahat, ikaw yung tipo ng pag-ibig na mahirap kalimutan; samantalang ako yung tipo ng pag-ibig na limot mo na kinabukasan.

Ikaw ang depinisyon ng mga bagay na hindi ako.

At alam kong kailangan ko nang hanapin ang sarili ko.
Nang hindi na nagtatago sa anino mo;
Sa mga magagandang bagay na nasayo.
Gusto ko ring dumating ang panahon na masasabi mong, “Pangga, proud ako sayo.”

Kaya pasensya na mahal, kailangan ko ring bumuo ng sarili kong mundo.
Ngunit kung pag tagupuin man tayong muli ng panahon; at pareho na nating alam ang ating halaga na ipinagkait natin sa isa’t isa noon,

Wag kang mag-alala mahal, handa ko nang isugal ang mundo ko para sayo.

Advertisements

2 thoughts on “Ikaw Ang Depinisyon Ng Mga Bagay Na Hindi Ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s