Takipsilim

Tuwing malalim na ang gabi;

Tuwing ramdam ko na ang pagod ng aking katawan;

Tuwing nakahiga na ako sa malamig kong pahingahan;

Tuwing tulog na ang buong kalawakan;

Tsaka ka naman naglalakbay sa aking isipan.

At sa tuwing nangyayari iyon; gusto ko na lamang humimbing.

Malayo sa mga alaala mo at sa sakit na dulot nito.

Ngunit hindi; mas gusto ko pa rin masilayan ang ngiti mo.

Marinig ang mga patawa mo;maramdaman ang init na dulot ng mga bisig mo.

Kahit ilang sandali lang, kahit ilang minuto lang, pagbigyan mo naman ako.

Pero kung hindi; ayos lang sa akin ang makatabi ka.

Sa katahimikan: sa kawalan ng salita.

Dahil lahat na yata ng tungkol sa ‘iyo, ng sa akin, at ng sa tayo ay naisulat ko na.

Ginugugol ang mga gabi sa pag sasayang ng papel; ng tinta ng pluma.

Inilalabas ang mga damdaming dapat ay kalimutan ko na.

Kaya huwag kang mag alala sa nakabibinging katahimikan; naisulat ko nang lahat.

At kung dumating man ang panahon

At magkaroon ako ng lakas ng loob na ibigay ito sa iyo;

Pakiusap, mahal, kahit sa huling pagkakataon, bigyan mo ng atensyon.

Dahil lahat ng papel, tinta ng bolpen, luha, gabing puno ng pangungulila ay naubos ko na.

Nakakapagod rin pala.

Nakakapagod rin palang magsulat nang lagi na lang ikaw ang pamagat.

Ngunit alam kong hindi pa ito ang huling sulat ko para iyo.

Isa lang din ito sa milyon milyong talata na mayroon ako.

Para sayo. Sana lang, pag nabasa mo na ang lahat ng ito.

Sana naririto pa rin ako,

Sana hindi pa ako sumusuko,

Sana kaya ko pang bumuo ng talata;

Ng mga salita; ng mga tugma.

Sana narito pa rin ako kung iyo mang mapagtanto na mahal mo pa rin ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s