Lost

It’s funny how years can go by and yet, I can still feel your breath against my ear when you whisper my name, the tingling sensation running through my spine every time you held me so close to your body, the touch of your warm hands exploring every inch of my being. And it was amazing, the thought of you having me is exhilarating enough for me to forget that the stars and the moon shines above, watching us. The thought of you having me is almost enough for me to forget the world. Only that, you we’re long gone, and here I was, still lost in your eyes.

Advertisements

Paalam Lola

Hey, guys! Wanna apologize for not being active lately. I’ve been away from the world of WordPress for a long time because me and my family faced the biggest challenge of our lives. I haven’t shared it here yet, but yeah, My grandma, (father side) fought a hard battle after being stroked and just this month of August, she passed away after having a cardiac arrest. I really don’t know what to feel. It felt so unreal. I can’t bring myself to write something about anything. So I figured, I will just share to you guys the poem that I made for my grandmother. And also as a tribute for her. It was purely made from the bottom of my heart and I hope, you’ll appreciate it. Love lots! – A

Basahin mo muna, hindi tungkol sa akin ito;

Naalala ko, noong ika-labing walong kaarawan ko, kumpleto.

May mga pagkain, kantahan, halakhakan, at kwento.

Kuntento, oo.

Pero noong pumasok ka sa durungawan ng pinto; mas dumoble ang tuwang naramdaman ko.

Hindi ko akalaing maaalala mo ang isa sa pinaka-importanteng araw gaya nito.

Hindi kasi ganito,

Hindi kasi tayo malapit katulad nito.

Ngunit nakangiti ka, kitang kita ko ang kulubot sa gilid ng mga mata mo,

Habang sinasabi ang mga katagang ito,

 “Happy Birthday, Apo.”

Naalala mo.

Sa higpit ng yakap mo, alam kong naalala mo.

Alam ko noong mga sandaling yon, mahal mo ako.

Salamat sa pag-ibig, lola.

Salamat sa buhay.

Salamat sa lahat ng bagay na nagmula sa iyong mga kamay.

Mananatili kang buhay sa puso at isipan.

Hanggang sa muli, lola.

Mamimiss kitang tunay.

Ikaw at Ako

Paminsan-minsan, may mga araw pa rin talagang naiisip kita. Na kahit gaano katagal nang panahon ang lumipas, iniisip ko pa rin kung kamusta ka na kaya? Kumakain ka ba sa oras? Nakakatulog ka ba nang maayos? Ano na kaya ang ginagawa mo? Masaya ka na ba ulit? Iniisip mo rin ba ako? O isang alaala na lang ba akong matagal nang kumupas para sa iyo?

Sa mga pagkakataong lumilipad ang mga tanong na yan sa isip ko, madalas kong titigan ang nag-iisang larawan mong pinakaiingatan ko. Siguro hindi ako ganito ka miserable kung nandirito ka. Siguro, ayos lang sa akin kung talikuran man ako ng lahat kasi alam kong nandyan ka. Siguro pupunasan mo ang aking mga luha kada iiyak ako at sasabihing “ayos lang yan, di naman kita iiwan.” Siguro patatawanin mo ako tulad noon. Miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita. Kahit taon na ang lumipas, ikaw pa rin talaga. Walang iba. Hindi naman sa pinipilit kita, pero pwede bang bumalik ka na?

Hindi ko maipaliwanag iyong pangungulila ko sa’yo. Masyadong malalim na sobrang nakakalunod na, hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako o hindi na. Masyadong masakit sa damdamin, hirap na akong huminga. Masyadong maigting na para bang sabik na sabik akong masilayan kang muli at makulong sa iyong mga bisig. Sa lugar kung saan ako nararapat. Sa lugar kung saan ligtas ako, kung saan panatag ako. Kung saan masaya ako kahit ikaw lang at ako.

Takbo Para sa Paglimot

Ang paglimot ko sa iyo ay parang paligsahan sa pagtakbo. Oo sa pagtakbo. Yung paligsahan na kung sino ang unang makarating sa dulo ay ang syang mananalo. Mawawagi ng medalya, at nakangiting haharap sa mga tao.

Noong una, nakikipagsabayan pa ako sa mga katulad kong minalas sa larangan ng nakakatangang pag-ibig. Pero di kalaunan ay nakaramdam ako ng pagod, iyong pakiramdam na parang magkakalaskalas ang mga buto ko makatakbo lang palayo sa mga alaala mo. Hindi ko na rin alam kung pawis lang ba o luha na ang tumutulo sa mukha ko. O kung parehas na ba kasi minsan hindi ko na alam ang pinagkaiba ng mga ito. Ito iyong klase ng pagod na nakakapagod kasi parang milya milya na ang aking itinakbo ngunit bigo pa rin akong matanaw ang dulo.

Nakakapagod, kaya tumigil ako, hinayaan kong lumipas ang panahon, baka sakaling sapat na ang oras na ginugol ko para maghilom ang mga sugat na iniwan mo. Baka maaaring hindi na ako tumakbo. Baka maaaring manatili na lang ako dito na wala nang nararamdaman na kahit ano. Baka maaaring ako na lang ang tumupad sa mga sumpaan nating dapat ay tayo. Akala ko pwedeng ganoon, akala ko maaari akong mamuhay sa nakaraan. Akala ko pwede ko pang pulutin ang mga piraso ng kahapon at hawakan ang mga ito nang mahigpit at hindi nasusugatan. Akala ko maaari akong mabuhay sa isang sulok ng natitirang pundasyon ng ating mga pangarap.

Ngunit hindi pala, mas mahapdi palang manatili sa isang lugar kung saan araw araw kong hinihiling na sana ay masilayan ko ulit ang mga ngiti mo, marinig ang nakakahawang tawa mo. Yung sa bawat paggalaw ko, nakikita ko ang anino mo. Mas mahapdi pa lang manatili sa lugar na minsang naging tahanan mo. Mas mahapdi pa lang manatili sa lugar na puno ng mga alaala mo.

Kaya masakit man sa akin, ay inabandona ko ang mga piraso mo kasama ng pag asang unti unti rin itong magiging abo. Nagsimula akong maglakad at paunti unting tumakbo. Hinahanap ko ang mga kasabayan ko noon, ngunit ni anino ng mga ito ay hindi ko na makita. Napakamot ako sa ulo sa pagkaiyamot. Tangina, napagiwanan na ako. Malamang ay nasa dulo na ang mga iyon. Siguro’y nakikipagpatintero na muli kay tadhana o baka naman nagsisimula na muling maging maligaya. Kung hindi siguro ako tumigil ay naroroon na rin ako. Paano ba kasi tuluyang tumalikod nang hindi na muling lumilingon? Paano ba manalo laban sa’yo? Kaya pakiusap, h’wag mo na akong hilahin muli pabalik sa kahapon na pinaka ingatan ko. Huli na ‘to.

Where Do You Want to Go?

I want to go away. So far away. To a place where no one knows me at all, where no one can judge me based on what I did, based on my past or based on what they see. A place where I can breathe from all the anxieties brought by life. To a place where I can hear the humming of the birds, the calmness of the sea, the whistle of the wind. I want to feel the sun light against my skin. I want to sit watching the sunset and the sunrise for hours, days, months or even years at peace, if that is even possible. I want to forget everything. Just everything. I want a place where I can be alive, just once again.

Run Away

When the time isn’t right,
I’ll wait for you.
When the sky gets dark,
I’ll soak in the rain with you.
When things get hard,
I’ll held your hand.

But when the world gets too harsh,
When the time goes counter clock wise,
When the the rain turns to thunderstroms,
When things are too hard for us to take,
Will you run away with me?